Simbahan sa Camarines Sur, ninakawan

NAGA CITY-   Wala nga bang panahon at lugar na pinipili ang mga mapagsamantala? Tinangay ng mga kawatan ang donasyon  at ilang gamit sa simbahan sa Canaman, Camarines Sur.

Sa ulat nang PNP, pinasok ng mga magnanakaw ang Prompt Succor Parish Church sa Barangay Haring, bandang alas-3 ng madaling araw nitong Miyerkules.

Read More:  One dead after car collides with oil tanker in Sibulan, Negros Oriental

Sinira ang barrel bolt ng gate at nang makapasok kinuha ang tatlong microphones kasama ang amplifier mixer sa may likod ng altar na nagkakahalaga ng tinatayang limampung libong piso at nilimas ang donasyon na tinatayang sampung libong piso na nakalagay pa sa may imahen ng Hinulid.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PNP Canaman Spokesperson PEMS Arnel G Armendi, sinabing tinitinggan pa nila ang kuha ng mga CCTV cameras sa mga katabing establishments. Isa hanggang dalawang tao ang posibleng nanloob nang mga oras na tulog pa ang caretaker/ sacristan sa silid na hiwalay o detached sa simbahan.

Read More:  18-year-old confesses to dismembering brother in Zamboanga

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang responsable sa panloloob.