Simbahan, pasyalan, beach resort at mall kabilang sa mga dinagsa para sa pagdiriwang ng pasko ng pamilyang CamNorteño

CAMARINES NORTE- Hindi naging hadlang para sa mga pamilyang CamNorteño ang kinakaharap na pandemya para maipagdiwang ang Pasko na itinuturing ng marami na pinaka espesyal at pinakamasayang pagdiriwang minsan sa isang taon.

Kabilang sa mga dinagsa ay ang simbahan, pasyalan, beach resort at mall.

Bagamat may mga tila nakalimot sa totoong diwa ng pasko, hindi naman maitatanggi na marami pa rin ang masasabing maalab ang pananampalataya.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Patunay dito ang pagdagsa ng mga deboto sa iba’t- ibang simbahan upang dumalo sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa kabila ng limitasyong hatid ng COVID- 19 restriction.

Ang mga hindi nakapasok sa loob  dahil sa limited seating capacity ay matiyagang nagsimba sa labas ng simbahan.

At dahil isang pampamilyang pagtitipon din ang pasko ay pinili ng iba na ipagdiwang ito sa mga pasyalan, beach resort habang ang iba naman ay sa mall.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Sa isang video message sinabi ni Bishop Rex Andrew Alarcon ng Diocese of Daet na ang diwa at mensahe ng pasko ay hindi tayo nag- iisa.

Sa gitna umano ng mga sakuna, trahedya ay pandemya ay kasama ng bawat isa ang Diyos sa pagbangon kaya hindi dapat mawalan ng pagasa sa kabila ng napakaraming pagsubok.