Pulis sa Albay hinangaan matapos mamigay ng noche buena package sa mga kabarangay

LEGAZPI CITY – Hinangaan ngayon ng mga mamamayan ng Legazpeño ang tila naging isang Santa Cop sa disperas ng pasko.

Namahagi si PSMS Santiago Arienda II ng Noche Buena Package sa sandaang indibidwal nitong Disyembre 24, 2021.

Read More:  Student caught with unlicensed .45 pistol inside Northern Samar school

Ayon kay Arienda II, mula sa naipong entrance fee sa pagmamay-ari nitong sikat na “76 Farm” sa loob ng sampung buwan ang ginamit na pangbili ng noche Buena packages.

Aniya, higit sa kita mas nangingibabaw sa kanya ang makitang masaya ang kanyang mga kabarangay lalo na ngayong kapaskuhan.

Read More:  24-year-old female rider dies in six-vehicle crash at Cebu City

Ang nasabing farm ay simbolo ng pag-alala ng naturang pulis sa kanyang namayapang anak.

Ito rin ay nagsisilbing comfort zone sa gustong magrelax at magpahinga sa kahit na anong panahon.