CAMARINES NORTE- Hihirit pa ng bakunahan ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte bago matapos ang taon.
Ito ay kaugnay pa rin sa kampanya ng gobyerno na mas marami pang mabakunahan para maabot ang herd immunity.
Ayon sa Municipal Health Office simula ngayong araw, Disyembre 27 hanggang Miyerkules, Disyembre 29 ay magkakaroon ng bakunahan sa tatlong vaccination site.
Ito ay para sa First at second doses gayundin ang booster shot.
Ang bakunahan ay gagawin sa MDRRMO / Mercedes Evacuation Center, December 27- 29, Manguisoc National High School, December 27, Cayucyucan Elementary School December 28- 29 at Pambuhan National High School Dec 27 – 29.
Ang mga babakunahan ay edad 12 – 17 anyos para sa Pediatric population, 18 anyos pataas o adult vaccinees, ang mga naka schedule ng 2nd dose ng Dec 27 – 29, second dose na lampas na sa schedule sa Vaccination Card at ang mga nabakunahan ng 2nd dose bago ang October 1, 2021 para sa kanilang Booster Dose.
Ang mga magpapabakuna ay pinapaalalahanang magdala ng sariling ballpen, Birth Certificate o Valid ID, Vaccination Card para sa 2nd Dose at Booster Dose at Medical Certificate o Reseta sa may mga karamdaman
Ang bakunahan ng Booster Dose ay pansamantala munang gagawin sa MDRRMO/Mercedes Evacuation Center.
Ang mga available na bakuna ay Pfizer at Moderna para sa Pediatric Vaccinees habang AstraZeneca at Sinovac naman sa Adult Vaccines.
