Simbahan mananatiling non- partisan sa halalan pero hindi magiging neutral

CAMARINES NORTE- Inihayag ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon na mananatiling non- partisan ang simbahan sa darating na halalan pero hindi rin magiging neutral.

Ito ang inihayag ng Obispo sa kaniyang homily kahapon bilang tugon umano sa tanong kung non -partisan ba ang simbahan.

Paliwanag ni Bishop Alarcon na bagamat mananatiling non- partisan ang simbahan lalo na sa darating na halalan ay hindi umano ito magiging neutral  dahil lagi itong papanig sa katotohanan at sa tama.

When we say we are not neutral we are for the good, our option is always for the good  and for what is true, and that is what the Lords asks us to do, to choose him is to choose the good, to choose that which is true and to uphold that which is true,” ani Alarcon.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ipinunto rin nito na ang korupsyon ay nagsisimula sa maliit na nagiging isang struktura kaya’t mahalaga umanong putulin ang ugat nito.

Mapaglalabanan umano ito kung matututo ang tao na labanan ang kaniyang “evil tendencies.”

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Alam naman natin ang korupsyon ay nagsisimula sa maliit paunti- unti paisa- isa hanggang sa ito ay nagiging struktura, una siya muna ang kukupit, sunod siya na naman ang kukupit, sunod malaki na ang kinukupit, nagiging structure, structural sins begin with individuals personal sins.”

Muli ring hinimok ng obispo ang mga hindi pa nakakapagparehistro na magtungo na sa tanggapan ng Commission on Elections dahil hanggang sa katapusan na lang nitong buwan ang voter registration.

Kapansin- pansin naman ang pagdami ng mga nagpaparehistro ngayon kumpara dati.