Nagsalita na ang siklista sa viral “road rage” video sa Welcome Rotonda, Quezon City matapos ang ilang araw nitong pananahimik.
Ayon sa siklista, hindi siya takot o tinakot katulad ng sinabi ni Atty. Raymond Fortun sa publiko.
Iginiit din niyang wala siyang natanggap na pera mula kay Wilfredo Gonzales at saksi umano ang pulis sa presinto sa naging maayos na areglo nila nito.
Kaugnay nito, nanawagan siya sa publiko na igalang nalang ang kanyang desisyon na hindi na maghain pa ng kaso laban sa retired police na nagbunot at nagkasa ng baril sa kanya.
Samantala, galit namang sinabi ni Fortun na wag siyang pagmumukhaing sinungaling dahil kaya nitong magpakita ng mga ebidensya ng text ng nasabing siklista.
Sa kasalukuyan, pinaplano na ang pagsasampa ng kaso sa mga ilang pulis ng Quezon City Police District (QCPD) na nakisawsaw sa nasabing insidente.