Dalawang bagong testigo ni Awra, humarap na sa piskal ngayong araw

Humarap na ngayong araw sa Makati Fiscal Office ang dalawang bagong testigo ni McNeal Neri “Awra” Briguela bilang laban sa bagong kasong isinampa ni Mark Christian Ravana.

Hindi muna pinangalan ng abogado ni Awra ang mga nasabing testigo dahil pawang mga menor de edad pa ang mga ito.

Read More:  Bela Padilla, Martin Tan spotted together weeks after breakup

Sa nasabing pagharap ay nagbigay lamang ang mga ito ng salaysay patungkol sa naganap sa Bolt Hole Bar.

Sa kasalukuyan, hindi pa nababasa ng piskal ang ipinasang salaysay ng mga testigo.

Read More:  Claudine Barretto files cyber libel complaint against Cristy Fermin, Romel Chika

Ipagpapatuloy naman ang nasabing imbestigasyon sa darating na September 8.

Kung maalala, kinasuhan muli nitong Agosto ng light threats, grave coercion at paglabag sa Safe Spaces Act ang nasabing artista.