Confidential funds, tinawag na pork barrel fund ng isang Mambabatas

Hinihikayat ng isang mambabatas ang publiko na busisiin ang panukalang P2.385-B budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.

Sa panayam ng Brigada kay Cong. Arlene Brosas, Rep. ng Gabriela Party List na miyembro ng Makabayan bloc, hindi pa sinasagot ni Vice President Sara Duterte ang kanilang mga katanungan kung saan ginastos ang umano’y ₱125 milyong confidential funds noong 2022.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Ayon kay Cong. Brosas, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na maka-porma sa budget briefing kahapon matapos na agad na pumabor ang 21 member ng appropriation sa panukalang budget ng OVP.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Nabatid na agad ring tinapos ni Senior Deputy Majority Leader, Sandro Marcos ang budget hearing na tumagal lamang ng 15 minuto na ikinadismaya naman ng mga miyembro ng Makabayan bloc matapos na hindi mabigyan ng pagkakataon na makapagtanong.