SIKAD Bicycle Challenge sa Koronadal, aarangkada na

KORONADAL CITY – Magsasagawa ang lungsod ng Koronadal ng pinakaunang bicycle race na pinamagatang, SIKAD o sa Isports Koronadaleños ay Dabest challenge sa Enero 16,2022 alas-4 ng madaling araw.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng Hinugyaw Festival at Foundation Anniversary ng lungsod.

Ang nasabing kompetisyon ay kinabibilangan ng competetive category kung saan kabilang dito ang Elite category na bukas sa lahat ng 18-taon pataas , Competetive A na bukas sa 18 hanggang 29-taon, Competetive B na bukas sa 30 hanggang 39- taon at Competetive C na bukas naman sa 40 anyos pataas.

Mayroon ding Fun Ride Category na eksklusibo lamang sa mga taga Koronadal.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Binubuo ito ng 6 na kategorya na kinabibilangan ng Fun Ride A na 35 anyos pababa para sa mga kalalakihan, Fun Ride B para sa 36-taon pataas na kalalakihan, Fun Ride C para sa 35-anyos pababa na kababaihan, Fun Ride D para sa 36-taon pataas na kababaihan, at City Hall Employees Men and Women Category kung saan binuksan naman ito sa lahat ng immediate family members ng empleyado na 15-taon pataas.

Ang registration fee ay 5h pesos sa elite, 4h sa competetive at 350 pesos sa fun ride category kalakip na dito ang full sublimation event shirt, meal coupon ,race bib at certificate.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ilan sa mga requirements ang 1 photocopy ng vaccination card o certification, 1 photocopied government issued valid ID, at registration fee at waiver form na ibibigay naman ng City Sports Development Office ng lungsod.

Mga cash prizes naman ang naghihintay hanggang sa 10 libong piso sa iba’t ibang kategorya.

Para sa dagdag na detalye ay maki-ugnayan lamang sa contact number 09776188198 o bisitahin ang tanggapan ng City Sports Development sa City Mayor’s Office sa 3rd floor ng New City Hall Building.