Signal jamming, limited areas sa protesta sa final SONA ni Duterte, ipapatupad

Magpapatupad ang Philippine National Police ng signal jamming sa ilang bahagi ng Quezon City, habang ang protesta naman ay papayagan lang sa ilang areas, sa final State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay National Capital Region Police Office chief Police Major General Vicente Danao Jr., na para maiwasan ang traffic at pigilan ang posibleng transmission ng COVID-19, nagkasundo ang mga otoridad sa Quezon City at raliyesta na ang anti-government protests ay papayagan lang sa limitadong area.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release
Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Dahil naman sa banta ng mas nakakahawang Delta variant, hiniling ni Danao sa mga makikiisa sa protesta na ibigay ang kanilang mga pangalan sa mga otoridad para sa epektibong contact tracing.

Umapela rin ito sa mga raliyesta na sundin ang health protocols para maiwasan ang chain ng virus transmission. // MHEL PACIA-TRINIDAD