OCTA – COVID-19 sa NCR, tumaas sa 43%; Reproduction number, tumaas rin sa 1.29

Tumaas ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila sa 1.29 mula sa 1.21, halos isang araw matapos maitala ang pagtaas sa kaso ng Delta variant.

Kaugnay nito, sinabi rin ng independent group OCTA Research Team na ang kaso ng COVID-19 ay lalo pang tumaas sa 43%, matapos maitala ng metropolis ang average na 897 new virus infections per day mula July 18 hanggang July 24.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Babala ng OCTA Research, ang kasalukuyang trend sa NCR sa nakalipas na linggo ay sumusunod sa course mula noong February 14 hanggang 21, nang maitala ang surge sa early stages.

Una nito, pinayuhan ng OCTA ang national government na magpatupad ng mas mahigpit na stricter quarantine status nang madetect sa Metro Manila ang ang eraly stage ng surge.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Giit ng grupo, ang naturang surge ay posibleng maging dahilan sa transmission ng mas nakakahawang Delta variant.

Maliban dito, sinabi rin ng OCTA na ang positivity rate sa Metro Manila ay tumaas sa 7%, habang ang hospital capacity at occupancy ng intensive care units ay nananatiling mababa o below 60%. // MHEL PACIA-TRINIDAD