Sightings ng 2 Chinese warships sa Basilan strait, kinumpirma ng AFP

Kinumpirma ng Naval Forces – Western Mindanao ang sightings ng 2 barkong pandigma ng China sa Basilan Strait.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, natukoy ang PLA Navy vessels na isang training ship na may bow number na 83 at isang amphibious transport dock na bow number na 999.

Bilang pagtalima sa standard operating procedure, dinispatsa ng AFP ang BRP Domingo Deluana para i-monitor ang pagdaan ng 2 PLA Navy vessels.

Read More:  Palace rejects VP Sara’s remarks on 2028 elections

Nag-isyu rin ng standard challenge ang barko ng bansa sa naturang Chinese warships.

Tugon naman ng mga barko ng China, nagsasagawa sila ng normal navigation sa kanilang last port of call sa Dili, Timor Leste papunta sa Dalian, China.

Read More:  DSWD defends 4Ps amid Meralco billing issue

Nabatid na Basilan Strait ay kinikilala
bilang international passage of vessels ng iba’t-ibang mga bansa.

Samantala, matapos ang presensya ng 2 barkong pandigma ng China, sinabi ng AFP na nanatili silang nakaalerto sa maritime zones ng bansa.

Tiniyak din nila na ipagpapanggol nila ang territorial integrity ng bansa.