El Niño season – opisyal nang nagtapos

Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng El Niño.

Dahil dito – inilabas na ang final advisory ng El Niño, habang paghahandaan na rin ang La Niña.

Sa abiso ng weather bureau, mayroong 69% chance na ideklara ang La Niña pagsapit ng July-August-September.

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Matatandaaang kamakalawa nang ideklara rin ng PAGASA ang official start ng rainy season.

Ngaoyong araw – asahan pa rin ang mga tiyansa ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Southwest Monsoon.

Ayon sa PAGASA, mataas ang posibilidad ng kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dulot ng naturang weather system.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Ugaliin pa rin ang pagdadala ng payong dahil maaaring makaranas ang nalalabing bahagi ng bansa katamtaman hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pulo-pulong mga pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.