Nagtamo ng minor injury ang driver at isang pasahero ng isang van nang bumulusok ito sa gilid ng National Highway sa Barangay Tinitian, Roxas, Palawan bandang alas-sais ng umaga nitong Miyerkules, ika-5 ng Hunyo.
Ang driver ay kinilala ng PNP na si Ricky Aban, 50-anyos residente ng bayan ng San Vicente, Palawan at ang mga pasahero umano ay ang kanyang mga kaanak.
Ayon sa PNP, mula sa bayan ng San Vicente ang behikulo patungo sana sa Puerto Princesa City nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver sa kurbandang bahagi bago bumulusok ito sa gilid ng daan.
Samantala, agad isinugod sa pagamutan ang dalawang sugatan ng rumesponding tauhan ng MDRRMO.