Inflation rate nitong Mayo – bumilis sa ika-apat na sunod na buwan

Bahagyang bumilis ang inflation rate sa bansa, ‘o ‘yung antas ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin nitong Mayo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) – bumilis ito sa 3.9%.

Read More:  VP Sara Duterte’s reported request to meet Marcos called ‘fake news’

Ito ang ika-apat na buwang sunud-sunod na pagbilis ng inflation.

Mula ‘yan sa 3.8% na inflation noong Abril; at 6.1% inflation noong Mayo ng nakaraang taon.

Sabi ng PSA, ang pangunahing dahilan nito ay ang mas mabilis na pagsipa sa presyo ng kuryente at LPG sa nagdaang buwan.

Read More:  COMELEC forms anti-vote buying task forces for BARMM Elections

Nananatili naman sa 3.1% ang inflation sa Metro Manila; habang 4.1% ang inflation sa labas ng National Capital Region.