Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) na wala namang pinal na napag-usapan hinggil sa isang taong provisional period sa panghuhuli ng mga public utility vehicles (PUVs) na bigong magpa-consolidate.
Tugon ito ng DOTr matapos ang kasadong three-day transport strike ng MANIBELA sa June 10-12 dahil sa nakaambang panga-aresto sa mga unconsolidated units.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay DOTr Usec. Andy Ortega – nilinaw nito na bagamat pag-aarlan pa ang isang taong palugit, ay ‘di naman nangangahulugang napagbigyan na kaagad ito.
Maaalalang kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pag-aaralan nila ang hiling na ito.
Una na kasing naimungkahi sa pagdinig ng Kamara ni Rizal 3rd District Rep. Jojo Garcia ang isang taong palugit para makapamasada pa ang mga unconsolidated jeepneys.
Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin umano ang ginagawang mga pagdinig at pagi-issue ng show-cause orders ng LTFRB.