Shanghai, muling maglo-lock down para sa mass coronavirus testing

Muling maglo-lock down ang Shanghai kung saan maaapektuhan ang nasa 2.7 million na mga residente sa isasagawang malawakang coronavirus testing.

Ilalagay sa ‘closed management’ ang southwestern district ng Minhang at muli itong bubuksan kapag nakolekta na ang lahat ng samples.

Read More:  Sonora, Mexico activates containment measures after first screwworm case

Base sa zero-COVID approach ng China, i-iisolate ang mga nagpositibo at mga naging close contacts nito habang isasailalim naman sa quarantine ang buong building kung saan sila nakatira.

Read More:  More than 100 reported dead in Central African Republic Gold Mine collapse

Samantala, nagtala ang Shanghai ng bagong 9 local infections nitong Huwebes kung saan maraming residente doon ang nangangamba sa posibleng extension ng lock down. (ARGIE ERGINA)