Serbisyo ng Tax assistance centers sa iba’t-ibang establishment sa Camarines Norte magpapatuloy hanggang April 15

CAMARINES NORTE- Magpapatuloy ang serbisyo ng mga tax assistance center hanggang April 15 ng taong kasalukuyan na matatagpuan sa iba’t- ibang establishment sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay ito sa impormasyon na ipinabatid sa Brigada News FM Daet ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon ilang araw bago ang deadline ng paghahain at pagbabayad ng annual income tax returns. Matatagpuan ang mga tax assistance center sa SM City Daet Houseware Plaza Supermarket at LCC sa Labo. Bukas ito ngayong araw, April 8 pero sarado bukas,  April 9 hanggang 10. May nakatalagang mga tauhan ang BIR sa mga nabanggit na center upang umalalay sa mga taxpayer sa paghahain ng kanilang ITR.

Mababatid na sa April 15 na ang deadline para mag file at magbayad ng income tax returns ng walang penalty. Maaari ring gamitin ng taxpayers ang online services ng BIR.  Ang taxpayer na required na gumamit ng Electronic Filing and Payment System (eFPS) ay kailangang mag- file ng kanilang AITRs electronically at magbayad ng tamang buwis sa pamamagitan ng eFPS-Authorized Agent Banks (AABs).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *