Hauler na madalas ding sakyan ng mga nagpi- picnic tututukan ng HPG ngayong summer

CAMARINES NORTE – Nagpaalala muli ang Philippine National Police Highway Patrol Group sa publiko na ang hauler ay hindi para sa tao kundi para sa mga pangarga.

Kapansin- pansin kasi lalo na ngayong panahon ng tag- init na ginagamit ng magkakaibigan o pamilya ang hauler na sasakyan sa pagtungo sa mga resort para mag swimming.

Binigyang diin ni HPG Provincial Officer PMaj Joselito Quila na hindi ligtas ang hauler na sakyan ng mga tao na kadalasan pa ay overloaded.

Kaugnay nito nagbabala si Quila na kanilang huhulihin at titiketan ang mga ginagamit ang hauler bilang service.

Humingi ng kooperasyon ang opisyal sa publiko para sa ligtas na pagbiyahe ngayong summer season lalo na ang mga nagsisitungo sa iba’t- ibang resort sa lalawigan para mag swimming.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *