Senior citizen na gumahasa sa isang menor de edad na babae arestado ng Mercedes Police

CAMARINES NORTE- Naaresto ng mga tauhan ng Mercedes Municipal Police Station kamakalawa ang isang 60 anyos na lalaki na akusado sa kasong pangagahasa sa isang menor de edad na babae ilang buwan na ang nakakalipas.

Kinilala ang akusado na si alyas Ando, may asawa, magsasaka ng niyog at residente ng Barangay Hamoraon, Mercedes, Camarines Norte.

Ginawa ng mga pulis ang pag aresto kay alyas Ando sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Rene Morallo Dela Cruz ng Regional Trial Court Branch 5 sa bayan ng Daet na may petsang December 6, 2022

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nahaharap ang akusado sa kasong rape in relation to Republic Act 7610 o Child Abuse

Ayon sa Police Report nangyari umano ang pangagahasa ng suspek sa biktima Pebrero nang nakaraang taon.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman sa suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Mercedes Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa isang pahayag sinabi ni PMaj Romeo Benito AP Belmonte Hugo, hepe ng naturang Municipal Police Station na patuloy ang kanilang adhikain na tuldukan ang pang aabuso sa mga kababaihan lalo na sa mga kabataan sa nabanggit na bayan.

Umapela rin ang opisyal sa publiko na tulungan ang kapulisan para makamit ang katiwasayan at kapayapaan sa naturang bayan na ligtas sa anumang panganib at banta ng krimen.