Model at Social Media Influencer sa Israel, ginamit ang mukha sa isang Sex Doll Company nang hindi niya nalalaman

ISANG model at social media influencer sa Israel na si Yael Cohen Aris, 26 years old ang iniwangis sa isang sex doll ng Chinese Adult Toy Company nang hindi niya nalalaman.

Si Aris, ay hindi makapaniwala nang matuklasan niya na ang kanyang mukha ay nasa isang sex doll na ultimo pati ang nunal sa bibig ng dalaga ay ginaya.

Sa panayam kay Aris, aniya ginamit ng nasabing kompanya ang kanyang mga litrato sa kanyang instagram account kahit wala siyang binibigay na consent o pahintulot.

Dagdag pa ni Aris na pati ang kanyang buong pangalan ay ginagamit ng nasabing adult toy company bilang promotional material para sa kanilang website.

Sa kasalukuyan, ang model at social media influencer ay sumasangguni na sa kanyang abogado, para sa nararapat na gawing hakbang laban sa nabanggit na kompanya.### CD