Senate probe sa mga overpriced at outdated na laptops sa PS-DBM, kasado na

Ngayong linggo ay sisimulan na ng Senate Blue Ribbon Commitee ang imbestigasyon nito hinggil sa ma-anomalyang pagbili ng procurement services ng Department of Budget Management ng mga overpriced at outdated na laptops para sa mga public schools teachers.

Matatandaang itinakda ni Blue Ribbon Commitee chairperson Senador Francis Tolentino ang pagdinig nito sa araw ng Huwebes, August 25.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Dito aalamin kung sino ang mayroong pananagutan at kung mayroon bang naging sabwatan sa mga procurement projects ng PS-DBM.

Matatandaang kasing maliban sa mga laptops, mayroon pang ibang mga na-flag ang Commission on Audit sa PS-DBM kabilang na ang pagbili ng mga PPEs para sa mga frontliners.

Bunsod nito, nanawagan ang ilang mga mambabatas na tuluyan nang buwagin ang tanggapan.

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Samantala, pinaiimbitahan naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang mga dating opisyal ng DepEd kabilang na si dating secretary Liling Briones, at pati na rin ang mga Usec at Asec na kasama sa procurement.

Sa ganitong paraan aniya ay malalaman kung bakit pinayagan ng mga Education Officials ang ‘low-spec’ laptops na pinagbibili ng PS-DBM.
#