Umano’y kidnapping sa Naga City, pinabulaanan ng NCPO

NAGA CITY ––“Malinaw na walang kidnapping” ito ang inihayag ni PSMS Toby Bongon , tagapagsalita ng Naga City Police Office kaugnay ng post sa facebook na umano’y basta na lamang pagtangay ng isang dos anyos na bata sa Barangay San Felipe.

Isinalaysay nito sa pagharap sa media na naibalik kaagad ang bata , ang rider mismo ang nagbalik nito.  Anya’y akala ng rider ay naisakay niya na ang ina, kaya umandar na siyang dala ang bata.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sinabi pa ni Bongon na nagmalasakit lamang ang rider dahil kilala nito ang mag-ina kaya inalok niya itong dalhin sa sentro ng lungsod na nag-aabang ng sasakyan.

Napag-alaman pa na ang ina ng bata ay may depression dahil sa problema nito sa kanyang asawa.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Panawagan lamang ng pulisya na kung may ganitong insedente ay i–report agad sa kanila at huwag i-post agad sa social media para maiwasan naman ang anumang pagkaalarma ng publiko.

Ang SK Official naman sa Naga ay nagmalasakit din sa ina na inakalang nakidnap ang kaniyang anak.