PSA, muling nanawagan na magparehistro sa National ID; rehistrado sa Camarines Sur at Naga City, nasa 1.5 milyon na

CAMARINES SUR – Bagamat nasa 1.5 milyon nang katao ang nakapagparehistro sa National ID sa Camarines Sur at Naga City, base sa datus ng Philippine Statistic Authority Camarines Sur, muling panawagan ng opisina sa publiko na magparehistro.

Sa panayam kay Supervising Statistical Specialist Raul “Bong” Aspe, marami pa rin ang hindi nakakapagparehistro sa naturang programa, marahil ay ang iba maliban sa ayaw nang magparehistro malayo sa opisina o area. Kaya naman sa pamamagitan ng mobile registration inilapit na nila sa mga barangay ang serbisyo minsan nga ay nagkakaroon pa ng registration on wheel na nag-iikot upang makapagparehisto ang iba.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Hindi kasi iniaalis ang posibilidad na maaaring ang naturang National ID na lamang ang gagamitin sa ibang transaksyon, na nagagamit na rin ng mga mayroon na bilang Valid ID.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kaugnay nito, posible na ring magsimula ngayong buwan ng Pebrero o sa mga susunod na buwan ang pagpaparehistro sa zero hanggang apat taong gulang na mga bata.