Senate panel, magsasagawa ng pagdinig ukol sa hiling na temporary housing ng Afghan refugees

Magsasagawa ng pagidnig sa Biyernes ang Senate Committee on Foreign Relations ukol sa hiling ng Estados Unidos sa gobyerno ng Pilipinas na temporary housing sa bansa para sa Afghan refugees.

Sa abiso ng Senate panel na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos, nakasaad na executive meeting lang dapat ang isasagawa ng komite, pero dahil sa significance at urgency ng usapin, nagpasya ang komite na magdaos na ng public hearing.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Batay ito sa resolusyon ni Sen. Marcos noong nakaraang linggo kung saan kanyang inilahad ang  kanyang nalaman mula sa sources na may mga Afghan nationals na dadalhin dito sa bansa.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Nangangamba aniya ang senadora na maaari itong magdulot ng banta sa national security at kaligtasan ng publiko.//CA