PBBM, kuntento sa pagtugon ng pamahalaan sa paga-alboroto ng Mayon

Kuntento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga hakbang na ipinatutupad ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at LGUs sa pagtugon sa sitwasyon ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Pinangunahan ni Marcos kahapon ang situational meeting sa Albay Astrodome sa Legaspi City kung saan naglahad  ng kani-kanilang concerns at mga kailangan ang mga lcoal chief execuitves sa pangunguna ni Albay Gov. Edcel Greco Lagman.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Bago ito , nagsagawa ng aerial inspection ang Pangulo sa paligid ng bulkan.

Tiningnan niya  ang sitwasyon ng komunidad sa paligid ng Mayon.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Namahagi rin siya  ng tulong pinansyal sa mga alkalde ng apektadong munisipalidad na gagamtin sa pangangailangan ng mga apektadong residente.

Namigay din ang pangulo ng relief goods sa mga apektadong residente na ginanap sa Guinobatan Community College evacuation center.//CA