Senate Minority Leader – umaasang magkakaroon ng sopresa ang Pangulo sa kanyang paparating na SONA

Umaasa si Senate Minority Leader Koko Pimentel na magkakaroon ng sorpresa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paparating nitong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Anya, dahil inilulunsad naman ng Pangulo ang branding na ‘Bagong Pilipinas’ ay maganda lang na magkakaroon din ito ng bagong polisiya pagdating sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Dagdag pa niya, sana ay inanunsyo na umano nito ang pagpapahinto sa mga POGO upang tunay ding mabago kahit kaunti ang itsura at kalagayan ng Pilipinas.

Read More:  NBI seeks CCTV footage of Sen. Bato’s arrival at Senate

Bago pa ito, una nang binanggit ng senador na inaasahan din niya ang pagbanggit ng Pangulo sa status ng agrikultura at housing sa bansa at maging ang kanyang mga naging achievements sa kanyang dalawang taong termino.