Pangulong Marcos, personal na inihahanda ang kanyang SONA speech

Personal na nakatutok si Pangulong Bongbong Marcos sa pagsasapinal ng kaniyang speech para sa ikatlo nitong State of the Nation Address o SONA sa araw ng Lunes.

Ayon sa Presidential Communications Office o PCO, sadyang walang engagement si Pangulong Marcos ngayong araw, dahil abala ito sa pagsusulat at pag edit ng kanyang magiging speech.

Read More:  Visayas grid to experience Yellow Alert again today

Una nang sinabi ng Presidente na kabilang sa magiging laman ng kanyang SONA ay ang lagay ng ekonomiya ng bansa, kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad, at illegal na droga, mga proyekto at programa ng pamahalaan na natapos, at mga tatapusin.

Read More:  DOH closely monitoring Ebola virus situation

Sinabi rin noon ng Pangulo na iniisip nya kung papaano pagkasyahin sa isang oras ang lahat ng kanyang sasabihin.