Naniniwala si Senate Majority Leader Francis Tolentino na may magagawa ang bawat Pilipino hinggil sa mas tumitinding tensyon sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay matapos ang panibagong insidente sa Ayungin shoal kung saan sinampahan umano ng Chinese Coast Guard (CCG) ang barko ng Pilipinas na magsasagawa lang sana ng rotation at resupply mission.
Alinsunod nito, nanawagan ang senador sa mga Pilipino na magkaisa sa pagdarasal para sa mga mangingisda at sundalong nandoon.
Ito ay marapat lang umanong gawin hiwalay pa sa paghingi ng tulong sa international humanitarian agencies dahil iisang bandera lang umano ang itinataas ng bawat Pilipino.