Iligal na pinutol na kahoy, nasamsam sa isang check point sa Alcala Cagayan

ILIGAL NA PINUTOL NA KAHOY,NASAMSAM SA ISANG CHECK POINT SA ALCALA CAGAYAN Nadakip sa isang check point sa bayan ng Alcala Cagayan ang isang lalaki dahil sa pag iingat ng hindi dokumentadong kahoy kahapon.

Naharang ng mga alagad ng batas ang isang Isuzu Forward Truck sa Barangay Baybayog, nasabing bayan na galing sa Brgy. Jurisdiccion, na may sakay na iligal na pinutol na kahoy.

Naglalaman ito ng 1,549 board feet na nagkakahalaga ng Php 77,450.00. Walang maipakitang dokumento ang driber na si alyas Vincent, 31 anyos, binata, at residente ng Baggao, Cagayan kaya agad itong inaresto.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Revised Forestry Reform Code of the Philippines o PD 705./// analiza

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *