‘Hindi patas at makatao’
‘ganyan kung ilarawan ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang ginagamit na regulatory framework ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Ito ay matapos ang kamakailang biglaang pagtaas ng presyo ng kuryente dahil sa kakulangan sa kahandaan ng Department of Energy (DOE) at maging ng mga power companies sa El Niño season.
Naging dahilan din ito ng biglaang pagtaas ng presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market na pinaplano namang ipasa ng Meralco sa mga konsyumer sa halagang hindi bababa sa P0.50/kilowatt-hour o P0.80 hanggang P0.90 sa isang bayad.
Anya, bagamat sinasabi ng iba na maituturing na oportunidad ang pagkakaroon ng krisis ay huwag naman umano sana ito maging daan para sa mga negosyante na pansamantalahan at pahirapan ang mga konsyumers.
Samantala, ayon sa Meralco, magtatapyas sila ngayong buwan ng P1.96 kilowatt-hour na singil sa kuryente.
Maalala, matapos ang naging imbestigasyon sa Senado lumabas na isa lang sa sanhi ng nagiging power outage sa bansa ang kawalan ng contingency plan ng DOE at maging ang kakulangan ng ERC na bantayan ang kapasidad ng mga planta.