Isang sundalong Pilipino ang naiulat na nasaktan sa banggaan ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at China sa karagatang katabi ng Ayungin Shoal.
Agad namang isinagawa ang medical evacuation para sa sundalo na nagtamo ng mga injuries sa isang umano’y resupply mission. Inaalam pa ang kanyang kalagayan.
Nanindigan naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nito bibigyang dignidad ang mapanlinlang na pahayag ng China hinggil sa insidente, na inilarawan ni AFP Spokesperson Col.Frances Padilla na deceptive at misleading.
Dagdag pa nito, nananatiling pangunahing isyu ang iligal na presensya at pagkilos ng mga sasakyang pandagat ng China sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.