Patay ang 24-anyos na babae matapos tamaan ng ligaw na bala sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa Gerona, Tarlac.
Nabatid na nagbabakasyon lamang ang biktima sa bahay ng kanyang magulang nang mangyari ang insidente.
Base sa imbestigasyon, nagsagawa ng operasyon ang mga pulis matapos makatanggap ng impormasyon na merong nagaganap na ilegal na bentahan ng baril sa lugar.
Pero bigla na lamang umanong nagkaroon ng sunod-sunod na putok ng baril kung saan tinamaan ng ligaw na bala ang biktima.
Sinubukan pang dalhin sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.
May ilang bahay at hayop ang nadamay rin sa operasyon.
Hindi naman malinaw kung sino ang nagpaputok.