Senate Committee on Health – wi-nelcome ang naging pahayag ng Pangulo tungkol sa pagpapalawak ng Super Health Center

Pinasalamatan ni Senate Committee on Health, Chairperson, Senador Christopher ‘Bong’ Go si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa naging pahayag nito sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Binanggit kase ng Pangulo na nais nitong palawakin pa ang bilang ng mga Super Health Center sa buong bansa na siyang isa naman sa mga proyektong itinutulak ni Go.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Ayon kay Go, sa pamamagitan ng pagpaparami nito ay tiyak niyang mas mailalapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga indigent at nasa liblib na lugar.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Maalala, ayon sa naging SONA ni Pangulong Marcos, sa pagsasagawa nito ay magiging katuwang ng gobyerno ang lokal na pamahalaan upang malagyan ng sapat na doktor at nurse ang mga centers.