PBBM – hinimok ang mga kabataang gawing inspirasyon ang buhay ni Apolonario Mabini

Sumabak agad si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang public engagement pagkatapos ng kanyang ikatlong State of the Nation Address kahapon.

Pinangunahan ng Pangulo ang ika-160 anibersaryo ng kapanganakan ni Apolinario Mabini sa Tanuan City sa Batangas.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Sa kanyang mensahe, hinimok ni Pangulong Marcos ang mga kabataan na gawing inspirasyon at halimbawa ang buhay ni Apolinario Mabini upang magpunyagi sa buhay.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Hangad din ng Presidente na higit pa sanang maunawaan ng mga batang henerasyon ang mga pilosopiyang pampulitika at panlipunan ni Mabini upang mahikayat daw silang mag-ambag sa pagsulong ng ating bansa.