Senate Committee on Health – nanawagan sa DBM at DOH na tiyaking walang health worker ang makaliligtaan sa HEA distribution

Wi-nelcome ni Senate Committee on Health, Chairperson, Senador Christopher ‘Bong’ Go ang naging anunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa pagri-release nila ng P27 bilyon para matugunan ang mga hindi pa nababayarang health emergency allowance (HEA).

Kasunod ito sa naging paulit-ulit na pag-apela ni Go sa Department of Health (DOH) at DBM na ipamahagi na ito sa mga health workers na nagserbisyo noong pandemya.

Kaugnay nito, nanawagan naman ang senador sa nasabing mga ahensya na tiyaking mabigyan ang lahat ng mga health workers na matagal nang naghihintay sa kanilang HEA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *