Kinumpirma ni Solicitor General Menardo Guevarra na maghahain na sila ng petisyon ngayong araw laban kay suspended mayor Alice Guo.
Ito’y para sa petisyong layong kanselahin ang birth certificate ng Alkalde.
Sabi ni SolGen Guevarra, ang OSG ay magsasampa na ngayon ng petisyon sa isang korte para rito.
Ang grounds – ay ang umano’y bigo niyang pag-comply sa legal requirements para sa late registration.
Ani Guevarra, ito ang magsisilbing groundwork ng OSG para sa pormal na paghahain naman ng petition para sa quo warranto.
Samantala, humarap na ngayong araw sa Department of Justice ang mga abugado ni Guo.
Ito ay para sa preliminary investigation ng mga prosekyutor sa kasong qualified human trafficking laban sa alkalde.
Hindi naman sumipot si Guo sa DOJ.