Mga ‘advisers’ ni Senior Agila – tutukuyin

Malaki ang paniniwala ni Senador Bato dela Rosa na ginagamit lang si Jey Rence Quilario, ‘o alyas ‘Senior Aguila’ ng iilang indibidwal.

Ayon kay dela Rosa – sa unang pagdinig kasi ng kaniyang kumite na Public Order and Dangerous Drugs – malinaw at kitang-kita umano na walang alam ang 22-anyos na lider ng grupong Socorro Bayanihan Services.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Naibahagi pa nito ang nasambit sa bisaya ni Senior Aguila na kualng daw siya sa edukasyon, at 2nd year high school lamang siya.

Tingin tuloy ni dela Rosa – ginagamit lang si Senior Aguila para magkaroon ng following ang grupo, at mayroong mga ‘advisers’ na nasa likuran nito.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Muli namang nabanggit ng Senador na ‘di siya natatakot na isagawa ang susunod na hearing ng kaniyang panel sa mismong ‘Sitio Kapihan’ ng grupo.