Sinang-ayunan ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros ang naging mungkahi ni Pangulong Bongbong Marcos kay Apollo Quiboloy na humarap na ito sa pagdinig ng Kamara.
Ito ay upang maipaliwanag ang kanyang sarili at personal na maitanggi ang mga akusasyon laban sa kanya.
Kaugnay nito, muling binigyang-diin ni Hontiveros na nanatiling bukas ang kanilang komite para sa panig ni Quiboloy.
Ngunit pagbahahagi niya, sa kasalukuyan ay tila wala pa ring intensyon si Quiboloy na humarap dahil wala pa rin umano ito sa tamang pag-uugali na irespeto ang kanilang pagdinig.
Ito ay matapos niyang tawagin na “bogus hearing” ang pagdinig na isinasagawa ng kanilang komite.
Sa kabila nito, muli siyang nanindigan na hindi siya magdadalawang isip na ipa-cite in contempt at ipaaresto ito.