Senadora, umaasa sa paninindigan ng buong gobyerno laban sa pagba-ban ng POGOs sa bansa

Winelcome ni Senadora Risa Hontiveros ang naging paghahain ng kasong qualified trafficking ng Presidential Anti-Organized Crime Commission’s (PAOCC) kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at maging sa ilan pa nitong kasamahan.

Ito ay matapos ang pagkasangkot ng alkalde sa kamakailang ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac na di umano’y sangkot sa love at cryptocurrency scam.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Alinsunod nito, nagpasasalamat ang senadora sa PAOCC at Department of Justice- Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) sa kanilang ipinakitang pagpupursige sa pagre-raid ng POGO at pagrescue sa mga Pilipino at dayuhang nabiktima ng panloloko at pang-aalipusta.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kaugnay nito, umaasa rin ang senadora sa paninindigan ng buong gobyerno sa tuluyang pag-ban o pagpapaalis sa POGO sa bansa.