Ruffa at Bistek, mag-on na!

CONFIRMED!

Kinumpirma na nga nina Ruffa Gutierrez ang relasyon nila ni Herbert Bautista.

Sabi ni Ruffa – “seryoso na ito simula’t sapul” sa pagitan nila, pero mas bet niyang pribado na muna ang kanilang personal na buhay.

Dagdag pa ng aktres, hindi naman sya papasok sa isang relasyon kung hindi sya seryoso.

Kuwento ni Ruffa, sa kanilang unang date ay hiniling daw ni Bistek na gusto nyang kasama ang kanyang anak.

Ibinahagi naman ni Venice, anak ni Ruffa, na nagsimulang magka-develop-an ang lovebirds noong magkatrabaho sila sa series na “The House Arrest of Us” noong 2020. (INTERN – JAIME CODIZAL)