Senadora: panagutin ang mga taong nasa likod ng ‘di makatarungang pagpapakulong kay dating Sen. De Lima

Ipinapakita lang umano ng pagbasura sa ikatlo at huling kaso kay dating Senador De Lima na ang hustisya ay nakabatay sa katotohanan at ebidensya, hindi sa walang basehang paratang at pampulitikang motibasyon.

Ito ang naging pahayag ng senador hinggil sa pagpapawalang-sala ng Muntinlupa Regional Trial Court sa huling kaso ni De Lima na may kinalaman sa droga na isinampa laban sa kanya ng administrasyong Duterte.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Alinsunod nito, kailangan umanong pagpokus sa pagpapanagot sa mga maling nag-akusa sa dating senadora.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Kaugnay nito, nanawagan siya sa awtoridad na itulak ang pagpapanagot sa mga maling nagparatang kay De Lima na siyang sumira umano sa reputasyon ng nasabing senadora.

Maalala, nitong nakaraang Marso ay naghain ang kampo ni D4e Lima ng demurrer to evidence para mabasura ang nasabing kaso.