DFA, tiniyak na kumikilos din kaugnay sa mga insidente ng harassment ng China sa WPS

Kumikilos na rin ang Department of Foreign Affairs o DFA kaugnay sa latest harassment ng China sa West Philippine Sea kung saan may sundalong Pilipino na naputulan ng daliri.

Sa ambush interview kay DFA Acting Secretary Ma. Theresa Lazaro, sinabi nitong patuloy na isinusulong ng bansa ang mapayapang pag resolba sa issue.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Anya, merong bilateral consultative mechanism na umiiral sa South China Sea.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Pero noong January 17 ang huling pagpupulong ng Pilipinas at China na isinagawa sa Shanghai.

Ayon kay Lazaro, posible naman anyang masusundan ang vis a vis meeting kasama ang China, ngunit hindi lang nito tiyak kung kelan.