Senadora, nanawagan ng agarang pagkilos mula sa gobyerno para sa El Niño

“There is no shortcut to agri sufficiency”

Ito ang pahayag ni Senadora Imee Marcos kaugnay sa kasalukuyang status ng agrikultura sa Pilipinas lalo na ngayong may inaasahang banta ng El Niño.

Kaugnay nito, ayon kay Marcos, kailangan ng i-fast track ng gobyerno ang pagkumpleto sa mga irrigation facilities tulad ng warehouses, food storage at mas pinalaking cold chain.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Dagdag pa niya, kailangan ding makapag-invest ng mga pribadong sektor sa countryside lalong lalo na sa value adding, processing at distribution.

Maliban pa roon, maganda rin umano kung matutulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka na i-consolidate ang kanilang taniman at makinarya na siyang matagal na dapat binigyang-pokus ng mga ito ngunit kanilang isinantabi.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Maalala, pinarerepaso na rin ng senadora ang implementasyon ng repopulation program ng Department of Agriculture (DA) para sa mga naapektuhan ng African Swine Fever dahil na rin sa kinahaharap na problema ng biosecurity ng mga hog raisers.