Senadora, iminungkahi na cash voucher ang ipamahagi ng DA sa halip na biofertilizer

Iminungakahi ni Sen. Imee Marcos na cash voucher ang ipamahagi ng Department of Agriculture sa mga magsasaka ng palay sa halip na mamigay ng biofertilizer na siyang desisyon ng ahensiya.

Kapag cash voucher, ayon sa Senadora, makakapili aniya ang mga magsasaka ng fertilizer na bagay sa kanilang lupa.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Huwag aniyang pilitin ang mga magsasaka na gumamit ng biofertilizer kung may alam silang abono na mas epektibo.

Totoo naman aniya na maganda ang bio fertilizer na magpapalaki ng ani pero baka mauwei sa fertilizer fund scam ang plano ng DA matapos na malaki at hindi makatotohanang halaga na itinakda ng DA sa bio fertilizer kumpara sa presyo ng regular na fertilizer.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

May resolusyon na sa Senado at Kamara para imbestigahan ang balak ng DA sa pamamahagi ng biofertilizer.//CA