Harassment na ginagawa ng China sa WPS, tinalakay sa pulong ni Sen Hontiveros at Taiwan President 

Bumisita at nakipagpulong kahapon si Sen. Risa Hontiveros kay Taiwanese President Tsai Ing-wen.

Sa kanilang pag-uusap, sinabi ni Hontiveros na, tinalakay niya ang mga intimidasyon, pagbabanta at harassment na araw-araw na inaabot ng mga Pilipinong mangingisda at mga barko ng PCG na nasa West Philippine Sea.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Ibinahagi rin ng mambabatas na nawawala ng kabuhayan ang mga Pilipinong mangingisda dahil sa pagtaboy ng mga barko ng China.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay Hontiveros, kagaya ni President Tsai , nais niyang magkaroon ng mapayapang pagtugon sa isyu sa WPS kaya isusulong niya sa Senado ang mga hakbang para sa diplomatic, legal at may respetuhang negosasyon sa lahat ng bansa na may layong magkaroon ng katatagan at kapayapaan sa South China Sea.//CA