Senadora Cynthia Villar, nagpositibo rin sa COVID-19

Kinumpirma ni Senate President Migz Zubiri na nag-positibo na rin sa COVID-19 si Senadora Cynthia Villar.

Ito ang inanunsyo ni Zubiri sa sesyon ng Senado ngayong hapon kaya hindi rin ito pisikal na nakadalo sa plenaryo.

Si Villar na ang ikatlong Senador na nagpositibo sa COVID-19 sa mga nagdaang linggo.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Kahapon, una nang kinumpirma na na-infect din si Senadora Imee Marcos; habang noong nakaraang linggo naman nag-positive si Senador Alan Peter Cayetano.

Dahil dito, pinahuyan ni Zubiri ang mga mambabatas at mga empleyado ng Senado na mag-doble ingat para hindi mahawa ng virus.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Bago ito, una nang naghigpit ang Senado sa kanilang mga protocols.

Kabilang na rito ang paglilimita sa mga nakakapasok sa kanilang gusali; habang required na rin simula kahapon ang pagpe-presenta ng vaccination card at negatibong COVID-19 test result.
#