VP Duterte, nanindigang wala siyang kinalaman sa mga kasong ni Walden Bello

Nanawagan si Vice President Sara Duterte kay former Vice Presidential candidate Walden Bello na huwag sa kanya isisi ang pagkakaaresto rito ng mga awtoridad dahil sa kasong libel at cyberlibel.

Sa isang pahayag, binigyang diin ni Vice President Duterte na dapat daw isipin ni Bello ang kanyang dignidad at magkaroon ito ng respeto sa kanyang sarili.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Ipinunto niya na isa sa pinakamahalagang payo sa kanya ng kanyang mga magulang ay ang huwag makinig o pumatol sa kahit anong ibinabatong alegasyon laban sa kanya at totoong isinapuso niya raw ito noong panahon ng kampanyahan.

Kaya para sa pangalawang Pangulo, hindi dapat isipin ni Bello na siya ang nasa likod ng pagkakaaresto rito.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Sa katunayan daw, wala pa siyang ni-isang libel o cyberlibel case na isinampa sa kahit kanino sa buong buhay niya.

Mababatid na batay sa pahayag ni Bello, naniniwala siya na si VP Duterte at ang kampo nito ang nasa likod ng mga kasong isinampa laban sa kanya.
#