Naniniwala si Senador Win Gatchalian na malaki ang maitutulong ng pagsuspindi ng Department of Justice (DOJ) sa bagong inilabas na travel guidelines.

Ayon kay Gatchalian, makapagbibigay ito ng sapat na oras sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Bureau of Immigration (BI) at iba pang ahensya upang makabuo ng “reasonable” at “purposeful” na polisiya laban sa human trafficking ng hindi naabala ang mga Pilipinong babyahe sa ibang bansa.
Dagdag pa niya, kailangan ding paigtingin ang pagbabantay sa mga illegal na dayuhang pumapasok sa mga masamang gawain ng ilang kumpanya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Kung maalala, isa sa mga karagdagang dokumento na hinihingi ng IACAT sa bago nitong guidelines ay confirmed round ticket, proof of accomodation, notarized copy ng sulat mula sa sponsor at valid work visa/permit.