Senador, wala raw pakialam sa bagong ’10-dash line’ na inissue ng China

Binigyang-diin ni Senador Chiz Escudero na walang magiging epekto sa naging arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration ng United Nations ang paglalabas ng China ng bago nitong standard map.

Ayon kay Escudero, kahit maglabas pa ng marami bersyon ng mapa ang China ay wala itong kwenta dahil isa lang itong unilateral declaration na hindi kinikilala sa international law.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Kung maalala, sa inilabas na 2023 edition standard map ng China, makikitang hindi na ito “nine-dash line” kundi isa ng “10-dash line” na umaangkin sa iilang exclusive economic zone (EEZ) ng ilang bansa tulad ng Pilipinas, Malaysia, Brunei, Vietnam at Indonesia.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Kine-claim rin sa inireleased na mapa ng China’s Ministry of Natural Resources ang buong parte ng West Philippines Sea na kasalukuyan pa ring pinag-aagawan ng Pilipinas at China.